83

By

Lapeña dagdag sa ‘recycled’ sa Duterte admin – Hontiveros

Tinuligsa ni Senadora Risa Hontiveros ang pagbibigay ng panibago at mas mataas pang pwesto kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña samantalang nalusutan ito ng drug smuggling.

Karagdagan umano si Lapeña sa mga opisyal ng administrasyong Duterte na ‘recycled’ o inalis sa isang pwesto pero binigyan ng panibago kahit dawit sa anomalya.

“The transfer of Commissioner Isidro Lapeña to the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) despite the fact that over P11 billion worth of shabu slipped into the country under his watch clearly demonstrates that President Rodrigo Duterte’s administration is a recycling bin for the corrupt and incompetent,” sabi ni Hontiveros.

Inalis si Lapeña sa BOC dahil sa kontrobersya sa drug smuggling ngunit itinalaga namang kalihim ng TESDA.

Sinabi ng senadora na indikasyon ito na hindi interesado ang Pangulo na panagutin ang mga opisyal niyang kwestyunable ang karakter at kakayanan kahit ang mga sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

“President Duterte doesn’t hate drugs. He tolerates illegal drugs,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?