795

By

Lapeña bumuwelta sa PDEA sa lumusot na ‘shabu’ magnetic lifter

Sharing is caring!

Binuweltahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa isyu ng apat na magnetic lifter na nasamsam sa Cavite na diumano’y naglalaman ng iligal na droga at nakalusot umano mula sa BOC.

Sa isang statement, nanindigan si Lapeña na ang mga magnetic lifter na naka-consign sa SMYD Trading ay dumaan sa kaukulang clearance mula sa BOC.

Lahat umano ng X-ray images ay naisumite sa House Committee on Dangerous Drugs at sa Senate Committee on Blue Ribbon.

“There is no single X-ray image kept from the eyes of the oversight committees,” saad ni Lapeña kasabay ng pagtiyak na nakahanda siyang tumalima sa magiging resulta ng congressional investigation.

Pero giit pa ng opisyal, hindi dapat sisihin ni Aquino ang BOC sa nasabing problema, lalo pa’t ang PDEA ang nanguna sa lahat ng operasyon kaugnay sa shipment ng Vecaba at SMYD.

“It was also Ismael Fajardo, Jr., one of his (Aquino) most trusted men in PDEA, who orchestrated the entire operations and intelligence build up on this case,” ani Lapeña.

Panawagan pa ni Lapeña, makatutulong kung susuriin ni Aquino ang kanyang sarili bilang pinuno ng PDEA.

“It will help if DG Aquino will try to examine himself as the head of PDEA, the agency “responsible for the efficient and effective law enforcement of all the provisions on any dangerous drugs,” dagdag ni Lapeña.

Kung tumalima lamang din umano si Aquino sa Executive Order 15 ni Pangulong Duterte na nagbuo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na pinamumunuan ng PDEA bilang lead agency nang mga panahon na ikinasa ang operasyon sa Vecaba at SMYD, naiwasan sana ang problema.

‘Finger pointing and blaming other agencies does not add up in the government’s war against drugs, more so blaming one government agency alone, as if it has done nothing. DG Aquino, being the head of ICAD should not easily point or blame a member agency when there is obvious failure of intelligence or lack of coordination among member agencies under his leadership,” ayon kay Lapeña.

Si Fajardo, na nanguna sa pagkasa ng operasyon ay kasama sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong drug matrix na sangkot umano sa pagre-recycle ng iligal na droga.

“I have also said that I serve under the pleasure of the President. With that, I trust and will abide by whatever decision our President makes. It is improper to be thinking ahead of the President but wise to wait for his words,” pagbibigay-diin ni Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?