1,015

Jan 9, 2020 @ 20:15
By

Lapastangan! Netizen nabanas kay Pialago sa ‘Pahalik’ photo

Nainis ang isang netizen sa paglapastangan umano ni Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago sa “Pahalik” sa Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay Gloria Mercader-Galuno de Orozco, mukhang hindi umano alam ni Pialago ang tama at mali matapos magpa-picture sa karatula na may nakasulat na “Pila Pahalik”, na para sa mga debotong hahalik sa Itim na Nazareno.

Ginawa tuloy itong katatawanan ng mga netizen at sinabing pila para makahalik kay Pialago ang nasabing karatula.

Magugunitang nag-trending si Pialago sa comment niya tungkol sa pagkahimatay ng kapwa niya kandidata noon sa Ms. Philippines Earth kung saan sinabi niyang “she passed away” imbes na “she passed out”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?