39

Dec 31, 2020 @ 17:51
By

Laoag mayor lagot sa Christmas party

Nag-isyu ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng show-cause order laban kay Laoag City, Ilocos Norte Mayor Michael Keon dahil sa inorganisa umano nitong Christmas party.

Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na kumalat sa social media ang mga larawan ng nasabing pagtitipon, na naganap kahit pa bawal ang mass gathering habang may pandemya.

“We received reports that a Christmas party was organized by the mayor together with other government and barangay officials,” ani DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, Disyembre 31.

“Acting on these reports, the Secretary has directed the issuance of the SCO for the mayor to explain if he should be held administratively liable for violating health protocols,” banggit niya pa.

Ayon kay Malaya, pinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año ang pag-isyu ng SCO laban kay Keon dahil sa umano’y paglabag sa mass gathering ban at minimum health standards habang may pandemya.

Magugunitang pinagbabawal ang lahat ng mga Christmas party sa alinmang lokal o pambansang tanggapan ng gobyerno.

Dagdag ng DILG official, “If the public sees that our government officials themselves are not following the protocols, our campaign loses credibility.”

Tiniyak naman ng DILG na dadaan sa due process ang isyu ni Keon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?