12
views

By

Lani dedma sa trabaho sa US dahil sa The Clash

Sharing is caring!

Masaya si Lani Mi­salucha sa pagbabalik-GMA 7 niya bilang isa sa tatlong judges (kasama sina Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas) ng The Clash na iho-host ni Regine Velasquez-Alcasid simula sa July 7 (Saturday at Sunday ito).

Lalo pa raw masaya dahil kasama nga niya sa show si Regine na matagal niyang nakasama sa SOP.

Sabi ni Lani, nami-miss din niya ang magkaroon ng regular TV show, kaya nang dumating ang The Clash offer sa kanya, pinag-aralan nila ‘yon ng mister niyang si Noli na siya ring manager niya.

“May ilang shows dapat ako na gagawin sa Amerika, pero pinakusapan namin na ma-move for next year at wala namang naging problema, kaya natanggap ang The Clash,” sabi ni Lani.

Sa condominium unit ng isa nilang kaibigan sa Se­renda sa BGC sila nakatira ngayon dahil in-offer ‘yon ng kanyang kaibigan.

“Once a week lang naman ang taping ng The Clash at dalawang episodes na ang tine-tape namin at hindi naman mahirap, kaya enjoy. Sabay-sabay rin kaming kumakain kapag break, kaya nakakapag-bonding kami.

“Pero dahil once a week nga ang taping, hindi talaga ako puwedeng magpabalik-balik dito at sa Las Vegas (Nevada). Hanggang September lang naman ito, kaya naayos naman namin ang lahat,” sabi pa ni Lani.

Aliw naman daw na kasama si Ai-Ai delas Alas, kaya palaging masaya sa kanilang taping. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?