61

Oct 8, 2021 @ 18:29
By

Lani Cayetano kumasang mayor sa Taguig

Tatakbo si Taguig City Rep. Lani Cayetano sa pagka-alkalde ng siyudad sa 2022 elections.

Hindi na tatakbo ang kanyang bayaw na si incumbent Taguig Mayor Lino Cayetano.

“I will give way and I fully accept it because I believe in the leadership of Ate Lani,” sabi ni Mayor Cayetano.

Nagpasalamat ang alkalde sa kanyang mga constituent at nangako na ipagpapatuloy ang pagseserbisyo hanggang sa huling araw nito sa puwesto.

“Fellow citizens, it has been my life’s greatest privilege to serve you,” sabi ni Mayor Cayetano. “In the coming months, while the rest of the nation focus on the elections, we in Taguig will focus on the solutions needed by our citizens.”

Bago naging kongresista noong 2019, si Rep. Cayetano ay naging alkalde ng siyudad ng tatlong termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?