145

Oct 15, 2017 @ 13:29

Langis tumagas sa isang power plant sa Zamboanga City

Maagap na nakontrol ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkalat ng tumagas na bunker oil sa Sangali, Zamboanga City.

Ayon kay Petty Officer Second Class Winson Manible ng PCG-Sangali Sub-Station, rumesponde sila sa ulat ng isang concerned citizen kaugnay sa naganap na oil spill sa Sangali Fish Port.

Galing aniya ang tumagas na langis mula sa pipeline ng Western Mindanao Power Corporation (WMPC).

Kaagad namang nag-deploy ang PCG ng oil spill boom, pads at iba pang absorbent para makontrol ang tagas.

Rumesponde rin ang WMPC at binakbak ang semento na pinaglalagyan ng pipeline para maayos ang tagas.

Gayunman, sinabi ni Winson na magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon sa insidente. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?