36

May 17, 2021 @ 12:24

Langhap sarap? Puwet pwede gamitin sa paghinga

Kakaiba ang natuklasan ng mga scientist sa ilang mammal kung saan nakalanghap umano ito ng oxygen sa pamamagitan ng kanilang mga puwet.

Ayon sa mga researcher ng Tokyo Medical and Dental University at Cincinnati Children’s Hospital Medical Center, nasubukan na pahabain ang buhay ng mga daga at baboy na may respiratory failure sa pamamagitan ng pag-absorb ng oxygen papasok sa kanilang rectum o puwerta patungo sa intestine.

Ang naturang pag-aaral ay isinapubliko sa Med journal, kung saan sinabi na tinitingnan din kung posible itong gawin sa mga tao tuwing may emergency.

Ayon sa mga scientist, nakuha nila ang inspirasyon sa mga sea cucumber at isang uri ng isdang hito na nakakapag-absorb ng oxygen ang mga intestine.

“The rectum has a mesh of fine blood vessels just beneath the surface of its lining, which means that drugs administered through the anus are readily absorbed into the bloodstream,” saad ni Ryo Okabe, author ng nasabing pag-aaral.

Tatlong daga ang isinalang nila sa eksperimento, kung saan nakitang naka-survive ang mga ito sa isang lugar na may mababang oxygen level, habang may ventilation na nakatapat sa kanilang mga pwet.

Tingin ng mga eksperto, puwedeng gamitin ito sa mga tao na nagkakaroon ng lung failure, at nakakuha na ng funding para sa kanilang research para makita kung posible ito sa isang indibiduwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?