8

Sep 16, 2020 @ 19:09
By

Langgam patok na pet sa Singapore

Mabenta ngayong pandemya ang negosyo ng isang lalaki na pagbebenta ng langgam.

Matatagpuan ang “Just Ants” shop ni John Ye sa Yishun, Singapore.

Ang “Just Ants” ni Ye ay kauna-unahang physical ant shop sa Singapore na binuksan nitong Pebrero, ayon sa ulat ng Channel News Asia.

Sa kabila ng pagkakaroon ng COVID-19 pandemic, mataas ang benta ni Ye simula pa July.

Anang 41-anyos na si Ye, mayroon siyang hanggang 35 species ng langgam.

Mula sa common na Carpenter Ants hanggang sa Anoplolepis gracilipes o mas kilalang Yellow Crazy Ants.

Nagsimula lang bilang passion ang pagkakaroon ng ant shop ni Ye hanggang sa pumatok ito sa mga mahilig mag-alaga ng mga hindi pangkaraniwang hayop.

Nagkakahalaga ang starter kit para sa mga first time mag-alaga ng langgam ng hanggang S$12 o mahigit P400.

Ang pagkahumaling ni Ye sa mga insekto ang dahilan para umalis sa dati niyang trabaho na distributor ng mga wholesale electronic.

Nagsimulang magkainteres si Ye sa mga langgam noong 2017 dahil sa panonood niya ng mga video online.

Nais daw niyang baguhin ang negatibong pagtingin ng mga tao sa mga langgam bilang peste.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?