29

By

Landlord nangulit ng renta, ‘knockout’ sa tenant

Sharing is caring!

‘Knockout’ at tuluyang hindi na nakabangon pa ang 45-anyos na landlord makaraang bigyan nang sunud-sunod na suntok sa ulo at mukha ng kanyang tenant matapos na singilin sa renta sa Quezon City.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima ay nakilalang si Eddie Gana Rago, at naninirahan sa No. 64 Sorsosgon St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas, QC.

Si Rago ay binawian nang buhay dakong ala-1:46 ng madaling-araw (September 6) habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo, ayon sa attending physician na si Dr. Julia Rafael Santos.

Agad namang naaresto ang suspek na si Dennis Basibas Marteja, 43-anyos, obrero, tenant ng biktima.

Sa salaysay sa pulisya ni Emiliana Barlizo, kaptibahay ng biktima, dakong alas-8:30 ng gabi (September 5), habang nagpapahinga siya sa loob ng kaniyang tahanan ay narinig na lamang niya na nagsisigawan sina Rago at Marteja.

Dahil dito ay lumabas ng bahay si Barlizo upang alamin ang pangyayari subalit nakita na lamang niya na nagmamadaling lumabas ng compound ang suspek at ang live-in partner nito na nakilalang si Edna Asis, pero agad ding napigilan ng mga barangay tanod sa lugar.

Agad namang isinugod sa ospital ang nasabing landlord subalit binawian din ito ng buhay.

Hinala ng pulisya, posibleng nagalit umano ang suspek matapos na kulitin ng biktima na bayaran ang renta nito sa inuupahang kuwarto. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?