7

Sep 15, 2020 @ 15:24
By

Landbank pautang ng P150K sa mga private school student

Handang magpahiram ng abot sa P150,000 ang state-owned Landbank sa bawat estudyante na mag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan kapag nahihirapahan ang mga ito na bunuin ang kanilang tuition dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Finance mula sa report ni Landback president and CEO Cecilia Borromeo, isusulong ang programa na Interim Students’ Loan for Tuition toward Upliftment of Education for the Development of the Youth (i-STUDY), kung saang papautangin ang mga estudyante na may fixed interest rate na 5 percent kada taon.

Ang mga short-term loan ay pwede para sa mga mag-aaral sa pre-school, elementary at mga high school level, na maaring bayaran sa loob ng isang taon.

Samantala, ang term loan para sa mga college level ay pwede bayaran maximum ng tatlong taon, kasama pa ang isang taon na grace period para sa principal ammount.

Lahad ni Borromeo, ang naturang programa ay nilunsad para makatugon sa request ni Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan ang mga estudyante sa panahon ng health crisis.

Una nang nilunsad ng Landbank ang Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities (Academe), isang ‘study now, pay later’ program’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?