53

By

Landbank, may P24B budget para sa impact ng TRAIN

Sharing is caring!

Pinawi ni 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero ang pangamba ng publiko sa epekto sa presyo ng Tax Reform fo Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Romero, may pondong P24.488 billion ang Landbank para sa tax reform cash transfer project subsidy.

Gayundin aniya ang Department of Social Welfare and Development na meron namang P1.184 billion tax reform cash transfer budget.

“Between just these two agencies, government has P25.672 billion for cushion versus consumer price impacts of the TRAIN Law,” ani Romero.

“DSWD and Landbank have been tasked in the 2018 GAA to issue the guidelines for the tax reform cash transfer subsidy,” dagdag ng kongresista.

Binanggit rin ni Romero na bukod sa nasabing mga pondo, meron ding tig-P1.133 billion ang Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) para sa PUV modernization program loans sa PUV operators.

Hinihintay pa ng Kongreso ang project mechanics at components ng PUV modernization project mula sa DOTr, DBP, at Landbank. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }