104

Jul 30, 2018 @ 18:54
By

Land distribution, mamadaliin ng DAR

Mabilis na pamamahagi ng mga lupain at pagbibigay tulong sa mga magsasaka ang maisasakatuparan kapag naipatupad na ang Phase 2 ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ito ang tiniyak ni Agrarian Reform Sec. John Castriciones at aniya sa ikalawang bahagi ng programa, mas malaking pribado at pampublikong sakahing lupa ang maipapamigay sa mga magsasaka.

Aniya, ang pangunahing direktiba niya ay dagdagan ang ibinibigay na certificates of land ownership award sa mga benepisyaryong magsasaka.

Inatasan niya ang mga Municipal Agrarian Reform Officers na hanapin ang mga magsasakang benepisyaryo na nasa mga liblib na lugar.

Una nang nakipagkontrata si Castriciones sa kanyang mga regional director para sa target ng mga ito ngayong taon upang matiyak na maibibigay sa mga magsasaka ang lahat ng kinakailangan nilang suporta. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?