Lanao del Sur, Bukidnon dinuyan ng 5.1 magnitude na lindol

Sharing is caring!

Tinamaan ng 5.1-magnitude na lindol ang bayan ng Wao sa Lanao del Sur kaninang umaga, ayon sa Philippine Instritute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang sentro ng lindol ay naitala sa east northeast ng Wao at ang tectonic origin ay may lalim na 9 kilometero.

Sabi ng PHILVOCS, bukod sa Wao, naitala ang Intensity V sa bayan na Kadilingan, Intensity IV naman sa bayan ng Pangantukan habang Intensity III sa bayan ng Maramag sa lalawigan ng Bukidnon.

Intensity II naman ang naramdaman sa Cagayan de Oro City sa Misami Oriental.

Wala namang naiulat na pagkasira sa naturang lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?