1,380

Nov 2, 2019 @ 21:19
By

Lampungan nina Joem, Lovi wala sa Kamasutra

Na-awkward si Joem Bascon sa ilang mapangahas na lampungan nila ni Lovi Poe sa Regal movie na “The Annulment”.

Kuwento sa amin ni Joem, may love scene sila na naghahalikan sila habang nakataas ang braso ni Lovi at kini-kiss niya ang side ng kilikili nito hanggang sa boobs.

Nahihiya raw siya habang ginagawa ‘yon, pero nakikiliti sila pareho ni Lovi.

Meron ding nasa edge sila ng bed na kung maghalikan daw sila ay parang sa “Spider-Man” movie ang peg ng kissing scene nila.

Medyo hirap i-describe ni Joem ang ibang mga posisyon na ginawa nila na feeling niya ay wala raw sa libro ng Kamasutra.

‘Yung shower scene nila ay pagod na raw sila pareho ni Lovi, tapos ay sobrang emotional and intimate nu’ng kukunan.

Naibulong niya raw kay Lovi na parang hindi na niya kaya. Ang sabi nito sa kanya ay, “Kaya natin ‘to!”

As in si Lovi pa raw ang umaalalay sa kanya sa intimate scenes nila sa movie, na dinirek ng nagbabalik-pelikulang si Direk Mac Alejandre.

Komportable sila ni Lovi sa isa’t isa dahil ang dami na nilang pinagsamahan kaya sobrang magkakilala sila. At saka mature na raw sila pareho bilang artista kaya wala na silang ilangan pa.

Daring kung daring ang “The Annulment” dahil kailangan daw nilang ipakita ang iba’t ibang stages ng mag-asawa na nagsimula sa sweet, naging lustful, hanggang sa nag-e-explore na ng mas higit pa pagdating sa kama.

Kaya bukod sa bed at sa shower ay may love scene sila sa kitchen, sa swimming pool at kung saan-saan pa. At iba-iba raw ‘yung klase ng sex, depende sa stage ng marriage nila.

Sobrang importante ng sex sa isang relasyon, sabi ng 33-anyos na aktor. It’s one way of showing love at malaking bahagi raw talaga sa mag-partner ang physical attraction.

“Good sex is what makes a good relationship better,” nakangiting sambit ni Joem, na 8 years na ang relasyon sa live-in girlfriend nitong si Crisha Uy.

Aminado ang morenong aktor na minsan ay experimental din siya pagdating sa sex. Basta raw para sa partner niya ay game na game siya.

Magaling ba siya sa kama?

“I do my best.”

Ilang round ba ang kaya niya sa isang araw?

“Depende sa nakain ko. Basta ‘pag may energy ako, okey ako,” nakangiting pakli nito.

May papuwet si Joem sa “The Annulment” at normal na lang sa kanya ‘yon.

Nagawa na niyang mag-frontal sa indie film nila ni Tony Labrusca na “Double Twisting, Double Back” sa Cinema One Originals last year. Mabilis lang ‘yung shot.

Hindi maramot sa kanyang katawan si Joem dahil katwiran niya raw, bakit hindi niya ito ipapakita kung kailangan sa eksena?

“Sa lahat naman yata ng actors, ako na lang nakakagawa ng ganu’n, eh. And I’m happy na meron pa rin akong work kahit halos pinakita ko na ang kaluluwa ko sa mga pelikula ko,” bulalas ng magaling na aktor.

Kaya pa rin daw niyang magpakita ulit ng harapan. Laban pa rin siya sa frontal.

“Kung may script na nagre-require nu’n, why not? Kung kailangan pa rin naman siya,” sey ng palabang leading man ni Lovi.

Sa November 13 ang showing ng “The Annulment” in cinemas nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?