744

Lampas na sa edad, wala pang propesyon: Ano si Cardema? – Lacson

Kahit si Senador Panfilo Lacson, hindi maitindihan kung saan ang kategorya ni ex-National Youth Commission chairman Ronald Cardema bilang nominee ng isang party-list.

Sa en banc hearing sa disqualification case kay Cardema bilang nominee ng Duterte Youth party-list, ginisa ni Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon ang legal counsel ni Cardema na si Atty. Rani Angeli Supnet tungkol sa kuwalipikasyon nito sa nasabing party-list.

Inamin nito na hindi na pwede si Cardema sa isang youth sector party-list dahil 34 anyos na,ngunit nilaban na ang Duterte Youth ay para umano sa mga young professional.

Naitanong naman kay Supnet kung maituturing ba itong professional ayon sa depinisyon na: “One that is engaged in a specified activity, and that specified activity is considered as their occupation rather than a specific task.”

Ayon kay Supnet, hindi professional si Cardema ngunit advocate umano sa mga may propesyon.

Sa Twitter, naguluhan si Lacson kung saan babagsak si Cardema dahil sa naging hearing.

“First, he represents the youth sector but he is not so young. Then, he represents the professional sector but he has no profession. So what is he?” sey ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?