30

By

Lampas 60,000 pamilya naapektuhan ng bagyong Ompong

Sharing is caring!

250,036 katao o 63,769 pamilya ang nakaranas ng bagyong Ompong sa paghagupit nito sa Pilipinas ayon sa naging pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Setyembre 16.

Tinatayang karamihan sa mga ito ay nagmula sa Regions I, II, III, National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region na 148,283 katao o 37,910 pamilya naman ang nakaranas ng pananalanta ng bagyo.

Sentro ngayon ng tulong ang mga rehiyon ng Regions I, III, Mimaropa, NCR, at CAR ng mga local government unit (LGU), non-government orgs at Department of Social Welfare and Development (DPWH) na tinatayang P9 milyon ang kabuuang salapi na inihanda para sa mga nasalanta.

Onti-onti namang ibinabalik ng mga awtoridad ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar na 33 na sa 77 transmission line na ang naayos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?