6

Sep 16, 2020 @ 16:16
By

Lampas 3M Pinoy na-test na para sa COVID-19

Mahigit tatlong milyong Pilipino na ang nai-test para sa coronavirus disease nationwide.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, tumaas ang testing capacity ng bansa ng halos 42,000 kada araw.

Aniya, ang patuloy na aggressive testing program ng gobyerno ay parte ng national action plan phase 2 para sa “prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate” strategy kontra virus.

Dagdag niya, ang pakikipagtulungan nila sa mga pribadong sektor ang nagpataas sa mga COVID-19 laboratory nationwide.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 125 akreditadong laboratoryo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?