30

Jun 6, 2021 @ 14:40
By

Lampas 300 Badjao nasagip sa Manila

Na-rescue ang abot sa 303 katutubong Badjao na biniktima ng mga human trafficker.

Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), nasagip ang mga Badjao sa Manila North Harbor Seaport sa Tondo, Manila.

Kaagad na sinalang sa antigen test ang mga katutubo para masuri kung may positibo sa COVID-19.

Inilipat naman ang mga ito sa isang temporary shelter sa Quezon City sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa program ng National Housing Authority.

282 sa kanila ay pauuwiin na ngayong Linggo sakay ng barko ng Philippine Navy, ang 21 ay mananatili pa sa Metro Manila dahil sa isyung pangkalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?