97

May 22, 2019 @ 11:35
By

Lampas 30 na! Comelec Commissioner Guanzon kinuwestiyon ang edad ni Cardema

Ngayong araw na ang proklamasyon para sa mga nanalong party-list, ngunit hindi pa rin plantsado ang nominee para sa Duterte Youth party-list dahil sa substitution case ni Roland Cardema.

Ayon kay Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon, rehistrado bilang youth sector party-list ang DuterteYouth at ayon sa rule, 30-anyos pababa lamang ang pwedeng maging nominee ng mga youth sector.

“In the Certificate of Candidacy form of Cardema he stated that he is qualified. But is he not over 30 years old? Duterte Youth registered as a youth sector party list,” ayon kay Guanzon sa kanyang Twitter account.

Matatandaan na nagbitiw sa pwesto bilang chair ng National Youth Commission si Cardema para humalili sa kanyang asawa bilang nominee ng Duterte Youth.

Kailangan din umanong idetermine kung qualified ba ang asawa ni Cardema sa posisyon para maging legal ang substitution.

“What is the date of birth of R. Cardema’s wife the 1st nominee who withdrew?” tanon ng Comelec commissioner. “For substitution of nominee to be valid , the one being substituted must be qualified in the first place.”

Si Cardema ay 33-anyos na, ngunit dinepensa nito na walang age limit ang Duterte Youth party-list dahil inilarawan niya ito bilang: “advocate for the Youth & Professionals sectors and under the latter category, there is no age limit” at hindi youth sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?