69

Nov 10, 2021 @ 11:43
By

Lampas 2,600 kilo ng de-lata kinapitan ng ASF

Nakumpiska ng Cebu City Department of Veterinary Medicines and Fisheries (DVMF) ang 2,636 kilo ng mga de-latang produkto ng karne na nagpositibo sa African swine fever (ASF).

Ayon sa DVMF, karamihan sa mga nasabat na canned goods ay nagmula sa China.

Unang nagbabala ang Food Drug Administration (FDA) sa publiko na iwasang bumili ng mga produktong ASF-infected tulad ng pork luncheon meat, pork ham, dried pork, pork leg with mushroom at stew pork chops.

Hinarang sa Cebu ang pagpasok ng mga hog product sa lalawigan upang maprotektahan ang P11-bilyong industriya ng baboy. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?