24

Feb 21, 2020 @ 11:39
By

Lampas 2,200 todas sa coronavirus

Patuloy pa rin ang pagdagdag ng mga namamatay dahil sa novel coronavirus matapos na maitala ang bagong 118 casualty sa China.

Ayon sa mga health official ng nasabing bansa, nasa 2,236 na ang namatay dahil sa COVID-19.

Samantala, 889 naman ang nadagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa China, umakyat na sa 75,465.

Samantala, 11 naman ang naitalang pagkamatay sa ibang bansa matapos maitala ang unang nasawi sa South Korea dahil sa nasabing virus, habang dalawa naman sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

“The downward trend will not be reversed,” ayon kay Ding Xiangyang, ang deputy chief secretary ng State Council.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?