5

Sep 15, 2020 @ 16:35
By

Lampas 200 gov’t employee sa Antipolo, sapul ng COVID

Umabot sa higit 200 na empleyado ng local government ng Antipolo City ang nagpositibo sa COVID-19.

Base sa report ng dzMM, natuklasan ang mga pasyente sa isinasagawang contact tracing at testing ng lokal na pamahalaan.

Karamihan umano sa mga staff na nagpositibo ay mula sa Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, at opisina ng Sangguniang Panglungsod.

Kahit pa maraming nagpositibo na empleyado ay mananatili pa ring bukas ang city hall sa siyudad.

Sa Antipolo, umabot na sa 2,027 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 1,573 ang gumaling at 74 ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?