13

Feb 20, 2021 @ 20:07
By

Lampas 1K pamilya inilikas sa Caraga bago bumagsak si ‘Auring’

Bago ang pag-landfall ng bagyong Auring sa Caraga Region sa Linggo, mahigit 1,000 na pamilya na roon ang inilikas bilang precautionary measure, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sabi ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal nitong Sabado, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Disaster Council for Caraga na nag-preemptive evacuation na ang may 1,241 pamilya sa rehiyon.

Kasalukuyang nananatili ang mga ito sa may 36 evacuation center.

Sinuspinde rin ang mga mining operation sa lugar dahil sa posibleng landslide gayundin pinagbawalan ang paglalayag ng mga mangingisda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?