21

Oct 16, 2020 @ 17:50
By

Lamog! Kelot minura si Kobe, bugbog sarado sa mga Lakers fan

Paniguradong hindi na muling susubukan ng isang lalaki na murahin si Kobe Bryant sa harap ng pwersa ng mga Lakers fan.

Sa social media, kumalat ang isang video kung saan makikitang pinagtatadyakan at kinuyog ng mga naka-Lakers jersey ang isang lalaki dahil nagsabi umano ito na ‘F*ck Kobe!’

Nakahiga na ang lalaki sa kalsada ngunit hindi ito tinantanan ng mga Lakers fan na sunod sunod na suntok at sipa ang pinaranas sa basher.

Hindi ito ang unang karahasan na nangyari sa California matapos manalo ng ika-17 kampeonato ang Los Angeles Lakers, matatandaan na nag-vandal ng mga police mobile ang mga fan matapos silang pigilan ng pulisya na magkaroon ng mass gathering sa labas ng Staples Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: