10

Jan 18, 2021 @ 17:13
By

Lamig sa Baguio bumagsak pa sa 6°C

Muling nairehistro nitong Lunes ang pinakamababang temperatura na unang naitala 60 taon na ang nakalipas.

Patuloy ang lamig sa Baguio City dahil sa malakas na northeast monsoon o “amihan” kaya bumagsak pa ang lamig doon sa 6.3 degrees Celsius mula sa 10.4 degrees Celsius noong January 10, 2021.

Nai-record ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang pinakamababang temperatura sa bansa noong January 18, 1961.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?