49

Nov 30, 2021 @ 15:50
By

Lambingang Heaven-Kimpoy as a friend lang

Sadyang matalik na magkaibigan lang umano sina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano.

Ito ang paliwanag ni Heaven matapos umugong ang usap-usapan na magkarelasyon na sila ni Kimpoy, na dulot ng matatamis na palitan ng mensahe sa social media sa pagitan ng nila.

Ang social media post ni Kimpoy sa kaarawan ni Heaven nitong Nobyembre 25 na magkahawak ang kamay nila sa beach ang lumikha ng ingay sa mga netizen.

Sinabayan pa ito ng caption ni Kimpoy na: “Happy Birthday to this beautiful soul [Heaven Peralejo]. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise.”

Nagkomento rin si Heaven ng: “Luv u forever beh!!!”

Ngunit paliwanag ng young actress, best friends lang sila ng social media influencer.

“Hindi, hindi talaga, as in. ‘Di ba, kapag kunwari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganu’n? Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” saad ni Heaven sa isang vlog.

“Ano talaga, single ako pero not ready to mingle. Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz,” dugtong pa ni Heaven. “Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work.”

“So, yung amin talaga ni Kimpoy, yung pagmamahalan namin, e, hanggang bestfriends lang, guys, okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” paliwanag pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?