1,144

Feb 22, 2020 @ 18:11
By

Lambingan nina Matteo, Sarah matapos ang kasal, pinasilip ng pinsan

Binahagi ng pinsan ni Matteo Guidicelli ang ilang litrato ng newlywed couple.

Sa kanyang Instagram Story, binati ni @miaarcenasbranellec ang bagong kasal na sina Matteo at Sarah Geronimo sa litrato habang sweet na sweet na magkatabi ang dalawa.

Nilagyan niya ito ng text na “just married”.

Dagdag ni Marie Irisha Arcenas, sa wakas ay makakapag-sleepover na sila.

“With love, the impossible becomes possible. We can finally do our sleep over! Our home is your home, we love you guys!” sabi pa ni Arcenas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?