263

May 25, 2018 @ 18:17
By

‘Lambing’ ni Ryan Araña kay Belga may ‘parusa’

Wala sa court si Ryan Araña ng GlobalPort nang magkapisikalan sa fourth quarter ng laro kontra Rain or Shine noong May 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Pero napituhan din siya ng technical foul, kasama ng teammates na sina Bradwyn Guinto at Malcolm White, at si Jay Washington ng Elasto Painters. Ejected sa laro sina Kelly Nabong ng GlobalPort at Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine.

Mula sa baseline, pumasok sa court si Araña at hinampas-hampas ng tuwalya sa mukha si Rain or Shine big man Beau Belga matapos makipagbuhol kay Sean Anthony.

Kasunod ng insidente, may appearance ang mga sangkot sa tanggapan ni PBA Commissioner Willie Marcial.

“Siyempre, rules nila ‘yun na bawal pumasok ng court kahit na hindi mo naman gustong manakit o makasakit,” wika ni Araña. “Siguro tanggapin ko na lang, kausapin ko na lang si Commissioner hingi na lang ako ng dispensa tsaka ipapaliwanag ko na lang din ‘yung part ko.”

Dati silang magkakampi ni Belga sa RoS, lambing niya lang daw ang ginawa.

“Gusto ko lang paghiwalayin sina Sean tsaka si Beau kasi magkapulupot silang dalawa, ‘yun lang ginawa ko tinanggal ko lang,” dagdag niya. “’Yun naman ginawa ko kay Beau eh pagmamahal lang ng dating teammate … Nakakatawa, ang daming nag-message sa akin ano daw ginawa ko kay Belga. Napansin pa pala ng tao.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?