51

By

Lambanog ipinagbawal na

Sharing is caring!

Ipinagbawal na sa Barangay Sucol sa Calamba City, Laguna ang pagbebenta ng isang lambanog matapos may namatay sa pag-inom nito.

Sa isang panayam, ipinahayag ni Dr. Dennis Labro, Calamba city health officer, ang kanyang pangamba dahil hindi nabibigyang kaalaman ng gumagawa ang mga mamimili kung paano ipinoproseso ang lambanog.

Dagdag pa niya, ang tanging nakikita lamang sa lalagyan ay ang tatak nito.

Matatandaang kinilala ng mga pulis ang tatak na ‘Bossing Tumador’ bilang pumatay sa apat na taga Sta. Rosa City.

Sinamsam na ng mga pulis ang Bossing Tumador lambanog sa Brgy. Sucol at sa iba pang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }