181

Jun 24, 2021 @ 21:06
By

Lamay ni PNoy bubuksan sa publiko

Magkakaroon ng isang araw na public viewing para sa na-cremate na labi ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Magaganap ito sa Church of the Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi sa Biyernes, June 25 ang public viewing.

Pinaalalahanan ng pamilya Aquino ang mga gustong magbigay ng huling respeto sa namayapang dating presidente na sumunod sa health protocols at social distancing measures na ipatutupad ng Ateneo de Manila University.

Samantala, ila-livestream ng Ateneo de Manila University community ang public viewing sa Facebook page ng Radyo Katipunan 87.9 FM.

Nitong Huwebes ng gabi na-cremate si Aquino matapos pumanaw dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?