38

Apr 15, 2021 @ 23:22

LaMarcus Aldridge biglang nagretiro sa NBA

Inanunsyo ni LaMarcus Aldridge ang kanyang pag-alis sa NBA, ilang linggo pa lang ang nakalilipas matapos lumipat sa Brooklyn Nets.

Sa pahayag ni Aldridge, sinabi nito na sa laban ng Brooklyn kontra Philadelphia 76ers ay lumala ang iregular na tibok ng kanyang puso.

“My last game, I played while dealing with an irregular heartbeat. Later on that night, my rhythm got even worse which really worried me even more,” saad ni Aldridge.

Nagpatingin agad siya sa ospital at pinaalam sa kanyang koponan ang kondisyon ng kanyang puso.

Gumanda naman ang pakiramdam ni Aldridge, ngunit dahil sa kanyang kondisyon ay pinili nitong iwan na ang liga.

“For 15 years, I’ve put basketball first, and now, it is time to put my health and family first,” aniya pa.

Sa NBA career ni Aldridge, pitong beses siyang naging NBA All-Star, dalawang beses napabilang sa All-NBA Second Team at kasama sa All-Rookie Team noong 2007.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?