13

Oct 8, 2020 @ 23:25
By

Lamang ng Lakers vs Heat bihira lang

Nadesisyunan sa double-digits ang first three games ng 74th NBA Finals 2020 sa pagitan ng Lakers at Heat.

Isang beses lang nangyari ‘yun sa huling 15 seasons – double-digits ang diperensiya sa first six games ng Cleveland-Golden State series noong 2016 bago sinikwat ni LeBron James at ng Cavaliers ang Game 7 sa apat na puntos lang na lamang.

Natapos ang first four games ng 2005 finals ng San Antonio at Detroit sa tambakang 15 points o higit pa. Sa next three, nagkatalo sa one, nine at seven points.

Ito ang 36th time na lumamang ang isang team 3-1 sa NBA Finals. Sa mga nauna, 34 teams na lamang sa series ang nag-uwi ng titulo. Isang team lang ang nakasingit noong 2016 – Cavaliers nang tuhugin ang huling tatlo para agawan ng titulo ang Warriors.

Sa Game 4 ng Los Angeles-Miami, nag-break na 49-47 ang iskor. Pangatlong beses lang sa last 26 Finals games na walang umabot sa 50 points sa first 24 minutes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?