40

Jan 16, 2021 @ 12:14
By

Lamang lang ng 2 paligo! Martin Andanar look-alike ng Hollywood actor

Ano kayang naging reaksyon ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar nang mapuring kahawig ng isang Hollywood actor?

Sa panayam ng ‘Jigo Live’ sa Abante Radyo Tabloidista, naitanong kay Andanar kung anong masasabi niya dahil sa paghahambing sa kanya ng ilang netizen kay ‘Transformers’ star Josh Duhamel.

“Ayaw ko magbuhat ng bangko dahil mabigat itong bangko ko!” sey ng kalihim.

Aniya pa, lamang lang umano ng dalawang paligo si Josh sa kanya.

“Sino ba naman ako para magsabi na hindi ko kamukha ‘yon, [tapos] kamukha niya ko, hindi puwede diba?” biro pa ni Andanar.

“Ako ‘yung tatay ni Josh Duhamel… nage-evolve ‘yan eh.”

Mapapanood ang buong episode sa Youtube channel at Facebook page ng Abante Radyo Tabloidista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?