461

Sep 15, 2019 @ 19:17
By

Lamang ang sikat! Mga fan dismayadong di nakuha ni Francis ang ‘Best dressed’ sa ABS-CBN Ball

Naging maingay sa social media ang suot ng aktor na si Francis Magundayao sa ABS-CBN Ball 2019 dahil kaakibat nito ay ang kaniyang adbokasiya kaugnay sa paghihirap ng mga magsasaka.

Rumampa si Francis suot ang kaniyang makabuluhang kasuotan na sumisimbolo sa mga magsasaka na nahaharap ngayon sa malaking problema dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay.

“In light of Ms. Gina Lopez’s legacy I was also inspired to share my own advocacy. Our farmers have long been oppressed by big capitalist powers, and it’s our duty as Filipinos to raise such awareness,” saad ni Francis sa isang Facebook post kalakip ng kaniyang larawan suot ang naturang barong.

Si Paolo Baltazar ang designer ng kaniyang kasuotan.

“He embellished it with real Palay for a truly eye-popping, 3D effect. Finally, He added the colors of our nation’s flag on the right arm to give thanks for the hard work and sacrifices of our farmers and show our pride in The Philippines!”

Sa kabila ng pag-ani ni Francis ng papuri mula sa mga netizen sa social media ay hindi ito nakakuha ng award sa naturang ball.

Dismayado ang ilan dahil hindi nito nakuha ang Best Dressed Award na deserved umano nito.

“It should be Ylona Garcia and Francis Magundayao for best dressed. If only popularity is not the basis,”saad ng netizen na may twitter handle na @curiousspoller.

“I hope yung basehan ng best dressed is di dahil sa popularity ng artist. Daming artists na not so sikat na super ganda magdamit, pinaghirapan! ex. Francis in his palay inspired dressed and ylona @starmagicphils #ABSCBNball2019,” saad naman ni @2days1nightS3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?