935

May 27, 2019 @ 12:49
By

Lalo pang yumaman: Cynthia Villar pinakamayamang senador

Hawak pa rin ni Senadora Cynthia Villar ang pagiging pinakamayamang mambabatas sa Senado matapos itong muling maluklok sa nagdaang 2019 senatorial elections.

Ayon sa listahan ng statement of assets, liabilities and net worth, nasa P3,719,941,858 ang net worth ni Villar na noong 2017 ay nasa P3,611,260,766.

Samantala, si fighting Senator Manny Pacquiao naman ang pangalawang pinakamayaman sa P3,005,808,000.

Ikatlo si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may P555,324,479.82, habang si Tirllanes ang may pinakamababang net worth sa P7,533,012.10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?