471

Mar 4, 2019 @ 12:34
By

Lalo pang binaon! Cone nabanas, nag-walk out kay Compton

Hindi itinago ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang pagkadismaya matapos mag-tres ng Alaska Aces lead guard Simon Enciso ang tres gayong lamang na ng 23 puntos sa dulo ng laban.

Papunta na sana si Cone para makipagkamay kay Alaska coach Alex Compton, ngunit ng pumasok ang tres ay dumiretso na lamang ito sa dugout habang hinahabol ng huli.

Paliwanag ni Compton, kahit mataas na ang kanilang lamang ay kinailangan pa rin nila itong i-shoot dahil sa quotient system, inangat ang lamang nila sa 26, 104-78.

Naiintindihan umano ni Compton ang naging reaksyon ni Cone, ngunit sinabi na iba siya dahil hindi na siya naiinis kapag mas lalo pang binabaon ng mga manlalaro ang isang koponan gayong sigurado na ang kahihinatnan ng laban dahil nakaranas na umano siya na ma-miss ang playoffs dahil sa quotient system.

“Sa amin, the way we grew up, if you play college basketball in the States, you don’t ever take that shot,” ayon kay Compton.

“Remember that year when we lost 14 straight? We started out 4-0. In one of those games, we were blowing GlobalPort out, and I told the guys don’t shoot. And there is a quotient system, we lost eight straight, and we didn’t make the playoffs because we had a lay-up and I told them don’t take it and we didn’t make the playoffs. And that was my fault. We actually literally lost because we didn’t make that play and didn’t make the playoffs,” eksplika pa.

“I understand coach Tim’s frustration. I don’t take it personally. I didn’t do anything personal. But if we got into a situation where we are tied, who knows? I don’t want to miss the playoffs because I honor a tradition that nobody else in the league honors. When teams score on us at the buzzer when we are getting killed, I don’t take it (personally). I would have been offended probably three or four years ago,” ayon pa kay Compton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?