4,307

Oct 15, 2021 @ 20:44
By

Lalayas sa Dos? Gary V humingi ng dasal

Maraming netizen ang na-curious matapos humingi ng dasal si Gary Valenciano para sa aniya’y “major decisions” na kanyang gagawin.

“Hi everyone. Just wanted to see how you’re all doing. Can I ask you say a prayer for me? Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly lead by the Spirit. Thanks my friend,” tweet ng singer nitong Biyernes.

Nanalangin ang ilang follower niya na wala sana itong kinalaman sa paglipat niya sa ibang network.

@edz54512: “After reading this napadasal agad ako na sana wag kami iwan ni sir gary mga kapamilya huh! Pwede naman ako manood ng 7 or TV5 incase pero ang puso ko talaga nakatatak na ang pula berde at asul kapit lang mga kapamilya sir ano man magpapasaya sa inyo andito lang kami.”

@makilingmiracle: “Praying with and for you, Gary. If you need wisdom, ask our generous God, and he will give it to you. He will not rebuke you for asking.” James 1:5.”

@susiecute2102: “Oh! Praying for you for wisdom and discernment! But i hope you will stay as Kapamilya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?