37

Jan 26, 2020 @ 10:37
By

Lalata bumira, Capital sinalya

Tila tumaya ng lotto ang Bicol LCC Stores sa huling play at tumama, nilansihan ang Quezon City WEMSAP, 89-87, Sabado sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations sa Alonte Sports Arena, Biñan.

Dikdikan ang bakbakan nang isalba ni Chris Lalata ang mga Bikolano matapos nakawin ang possession ni Mark Olayon ng Kyusi na naghahangad na makapuntos sa huling 13 segundo upang itabla sana ang iskor at magka-overtime.

“Nag-gamble na kami doon, we switched everyone kahit na may tendency na magkakaroon ng mismatch, sabi ko lang recover lang agad. Sakto pagdrive ni Olayon, nandoon si Chris,” kuwento ni winning Volcanoes coach Mon Kallos.

Tinapos ni Lalata ang makinang niyang laro sa likod ng 13 points sahog pa ang 10 caroms at 4 dimes pati ang heroic steal na pang-alpas.

Si ex-pro Ronjay Buenafe ang talagang namuno sa Bicol sa pasabog na 25 points, 7 assists at 6 rebounds.

Umalalay si Jerome Garcia ng 16 markers at 7 rebounds habang si Alwyn Alday naman ay may 14 pts. upang ipasok ang Bicol sa eight place ng South Division sa 15-13 kartada.

Walang pinuntahan ang 25 pts, 7 asts. at 6 rebs. ni Ryan Costelo para sa Capital na dumausdos ang baraha sa 10-18.

Ang iskor:

Bicol-LCC Stores 89 – Buenafe 22, Garcia 16, Alday 14, Lalata 13, Aldave 11, Mondragon 4, Alfonso 3, Olea 3, Ongteco 2, Lao 1, Guerrero 0, Manalang 0, Gusi 0.

Quezon City-WEMSAP 87 – Costelo 25, Derige 16, Olayon 13, Castro 8, Medina 7, Sison 6, Barua 5, Atabay 3, Olea 2, Morillo 2, Gadon 0.

Quarters: 20-20, 38-40, 60-63, 89-87.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?