13

Lalaking wanted sa droga, dedo sa Quezon

Sharing is caring!

Napatay ng mga pulis ang isang lalaking pinaghahanap dahil sa pagtutulak ng droga sa Lucena City, Quezon.

Ayon sa report, napatay si Alberto Lee, 58, ng Barangay Progreso, Gumaca, Quezon dakong alas 7:30 ng gabi noong Martes.

Nabatid na nanlaban diumano ang suspek nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya.

Naunang nagpapatok diumano ang suspek kaya’t gumanti ang mga pulis na nagresulta ang kamatayan nito.

Sabi pa sa report, si Lee ay kilabot na tulak ng droga sa Lucena City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?