tallmadge

Lalaking taga-Florida, todas sa sumabog na PH-made vape pen

Sharing is caring!

Nasawi ang isang 38-anyos na lalaking residente ng St. Petersburg, Florida matapos sumabog ang ginagamit nitong vape pen.

Pumasok ang dalawang piraso ng piyesa nito sa kanyang bungo.

Nangyari ang insidente noong Mayo 5 sa bahay ng biktimang si Tallmadge D’Elia’s, ayon sa Tampa Bay Times.

Nagdulot din umano ng sunog sa kanyang kuwarto ang pagsabog ng vape pen.

Gawa umano ang vape pen ng Smok-E Mountain Mactan, ayon sa report.

Sa Facebook ng nabanggit na manufacturer, ang vape shop ay matatagpuan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Maliban sa tinamong injury sa ulo ni D’Elia’s, nasa 80 porsiyento umano ng katawan nito ang nasunog, ayon sa St. Petersburg Fire Rescue firefighters.

Ayon sa Food and Drug Administration, hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong sanhi ng pagsabog ng mga vape pen pero posibleng nag-uugat ito sa battery-related issues.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?