23
church1
By

Lalaking sinaniban, pinagbabato ang simbahan sa Batasan

Sharing is caring!

Mistula umanong sinaniban ni Satanas ang isang lalaki habang nakangisi pang pinagbabato ng bote ang isang simbahan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa reklamo sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6 ni Jun Sio, pastor sa simbahan sa Batasan, nabasag ang mga salamin ng bintana matapos na pagbabatuhin ng bote ng suspek na nakilala lamang sa alyas ‘Adrianne’.

Ayon sa pastor, mabuti na lamang at hindi tinamaan ang mga bata at matatanda na nasa loob ng simbahan, dahil sa drum set nila tumama ang mga nabasag na bote.

Nang magresponde ang mga tauhan ng Batasan Police, naabutan nila ang isang nagngangalang Ramon Erro kaya ito ang kanilang binitbit sa himpilan ng pulisya.

Pero mariing itinanggi ni Erro na siya ang nambato at itinuga ang nasabing suspek na aniya’y parang sinaniban ni Satanas dahil nakangisi pa umano ito habang binabato ang naturang simbahan.

“Kilala ko lang po siya (Adrianne) sa pangalan at ‘pag nakita ko siya ay maaari ko siyang ituro sa inyo,” pangako sa pulisya ni Erro.

Dahil hindi rin maituro ng pastor, na si Erro ang may kagagawan sa pambabato sa kanilang simbahan ay agad na pinalay ito ng awtoridad.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Adrianne upang makasuhan sa ginawa nitong pambabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?