By

Lalaking pumitik ng Valentine’s gift para sa kanyang GF, tiklo

Sharing is caring!

Napilitan ang isang 20-anyos na lalaki na gumawa ng kasalanan para mapasaya ang kanyang girlfriend ngayon Valentine’s Day.

Ngunit ito pa ang naging ugat para maging malungkot ang pinapangarap ni Mervin Dotullo, residente ng Golden City, Salawag, Dasmarinas City, Cavite dahil bumagsak ito sa kulungan kagabi.

Nabatid na tinangka ni Dotullo na tumangay ng mga chocolates sa SM Hypermarket sa Pasay City.

Nabatid na sa pagpasok pa lang ng suspek sa supermarket ay sinundan na siya ng security guard na si Jorge Batung dahil sa kanyang kahina-hinalang kilos.

Hindi naman nagkamali si Batung sa kanyang hinala dahil nakita niya ang pagsilid ng suspek ng ilang pirasong chocolates sa kanyang bag.

Bago lumabas ay hinarang na si Dotullo at nang inspeksiyunin ang kanyang mga dala ay nakita ang mga ninakaw nitong mga tsokolate na nagkakahalaga ng P684.

Inamin ni Dotullo na ipangreregalo niya sana ang mga tsokolate sa kanyang kasintahan ngayon Araw ng mga Puso.

Inireklamo na siya ni Batung ng theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?