316

Jun 15, 2021 @ 17:03
By

Lalaking pinatuloy dahil sa curfew, rapist pala

Sa halip na utang na loob ay maitim na balak pa ang naghari sa isip ng isang 28-anyos na lalaki nang tangkain nitong gahasain ang babaeng nagpatuloy sa kanya matapos siyang abutan ng curfew.

Kinilala ang suspek na si Winston Ricafort, samantalang malayong kamag-anak naman daw niya ang biktima.

Ayon sa pulisya, naabutan ng curfew si Ricafort sa Sampaloc, Manila kaya nakituloy muna upang magpalipas ng gabi.

Ngunit dakong alas-2:00 a.m. ng madaling araw ay bigla na lamang nagising ang biktima at nakita nitong nasa loob na ng kanyang kwarto si Ricafort at gagahasain na raw siya.

Pumalag umano ang biktima kaya’t walang nagawa ang suspek kundi lumabas at tumakas.

Nitong Linggo ay nadakip si Ricafort sa Quezon City. Siya ay nahaharap sa kasong attempted rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,