20

Jan 19, 2021 @ 15:51
By

Lalaking nang-awat todas

Patay ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng sarili niyang pamangkin sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Kinilala ang nasawi bilang si Rosendo Viernes at ang suspek bilang si Justin Andrada.

Ayon sa ulat, nag-away si Andrada at ang ama nito nang sumali si Viernes sa eksena at sinubukang awayin ang mag-ama.

Sa huli, si Viernes ang naging kaaway ni Andrada.

Pumunta si Viernes sa barracks at sinundan ito ni Andrada at doon na pinagtatadtad ng saksak.

Tumakas ang suspek ngunit nadakip din ito kasama ang kanyang patalim.

Ani Andrada, hindi niya namalayan ang kanyang nagawa buhat ng sobrang kalasingan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?