96
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
By

Lalaking namaril sa school principal sa Ilocos dinemanda

Kasong murder ngayon ang sinampa sa president ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Masingal, Ilocos Sur matapos siyang ituro sa pamamaril at tangkang pagpatay sa isang principal ng public school teacher noong Setyembre 11, 2019 sa boundary ng Barangay Mazante at Cabaroan sa nasabing bayan.

Kinilala ng Masingal Police Station (MPS) ang suspek na si Romeo Tiri, ABC president ng Barangay Mazante, Masingal.

Samantala, kasamang nakasuhan ang kamag-anak ni Tiri na si Dennis Tiri, na umano’y namaril kay Eulalia Lyn Gagto, 52-anyos na punong guro ng Mazante National High School (MNHS), ng Barangay San Juliasn, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga suspek, sa hindi malamang kadahilanan, ay lumusob sa tahanan ng biktima at bigla na lamang binaril ang biktima.

Agad na tumakas ang mga Tiri pagkatapos ng pamamaril, habang si Gagto ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang katawan.

Ayon sa MPS, si Gagto ay nasa maayos nang kalagayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?