18

Jun 9, 2021 @ 14:33

Lalaking namaril ng aso at mangingisda, sumuko

Nakonsensya at sumuko sa pulisya ang suspek sa pagpatay sa mangingisda at alaga nitong aso noong Martes sa Barangay Cabasagan, Boston, Davao Oriental.

Kinilala ang suspek na si Andi Lemenio Butulan, 30 anyos.

Noong Martes umano ay binaril ni Butulan ang aso ng biktimang si Marvin Loco Canuza, 47-anyos.

At dahil nasaksihan ni Canuza ang pangyayari, nagkaroon ng mainit na alitan ang dalawa na nauwi sa pamamaril.

Dinala pa si Canuza sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, isinuko rin ng suspek ang baril na ginamit niya sa krimen. Siya ay sinampahan ng kasong murder. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?