217
LRT
Nov 8, 2017 @ 17:21
By

Lalaking nakaladkad sa LRT, nasa ICU pa rin

Nanatiling pa rin sa Intensive Care Unit (ICU) ng Adventist Medical Center ang lalaking pasahero na naipit sa pintuan at nakaladkad ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa Pasay City.

Sa panayam kay SPO1 Rodolfo Soquina ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police at may hawak ng kaso,nasa icu pa rin ang biktimang si Julieto Eco, y Regis, 48 anyos , naninirahan sa B-4 L-6 Phase 3 Sunrise Subd. Tanza , Cavite matapos itong magtamo ng matinding pinsala sa ulo at sa mukha nito matapos siyang maipit at makaladkad ng kanyang sinasakyan train.

Nauna sa report ng pulisya, natamo lamang ng mga galos sa dibdib at sa mga binti ang biktima matapos ang insidente.

Subalit sinabi ni Soquina, tumama ang ulo ng biktima sa may flatform ng lrt at may namuong dugo dito at maging ang mukha nito ay naapetuhan ang mga buto.

“Nasa ICU pa ang biktima medyo naapetuhan ang utak pati yun buto sa mukha at maging ang ilong ata nito ay natanggal. Hanggang ngayon ay hindi pa namin siya makausap” ani ni Soquina.

Aniya, hihintayin muna nilang gumaling ang biktima at saka nila itong kukuhanan ng salaysay hinggil sa naganap na aksidente sa kanya.

Sinabi pa ng imbestigador, nakausap niya ang pamilya ng biktima na kung saan sinasabing hindi na sila magdedemanda laban sa management ng LRT hinggil sa insidente.

“Premature pa ito at hindi sila ang puwedeng magdesisyon kung magsasampa sila ng kaso, buhay ang biktima at nasa pagamutan pa, dapat ito ang magdesisyon” ani ni Soquina.

Aniya, sinabihan naman niya ang pamilya ng biktima na hintayin na lamang gumaling ang biktima at siya mismo ang magdesisyon nito.

“Hindi pa nga nila alam kung anu ang status ng biktima kung ito ay mabubuhay o hindi kaya premature pa ito” dagdag pa ng opisyal.

Dahil sa nagsalita ang pamilya ng biktima na hindi na sila magdedemanda laban sa pamunuan ng LRT dahil sa sagot ang lahat ng gastusin sa ospital.

Sa ngayon aniya patuloy pa rin silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.

“Nakausap na namin ang management ng LRT tungkol dito at nakikipag ugnayan naman sila sa nangyaring insidente” pahayag pa ni Soquina. (Armida d. Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?