203
kulong-arrested
Dec 12, 2017 @ 11:49
By

Lalaking nagwala at nanlaban sa mga pulis, kulong

Patong-patong na kaso ang isinampa ng pulisya laban sa isang lasing na lalaki matapos itong magwala at pagsisigawan ang mga pulis na umaawat sa kanya lamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kasong Alarm and Scandal, Resisting arrest at Disobedience to the agent of Person in Authority ang isinampang kaso laban sa suspek na nakilalang si Franz Afrain Quimoyog, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Barangka ng nabatid na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang pagsasampa ng kaso sa suspek matapos umanong magwala ito at manggulo sa kahabaan ng Gil Fernando Street, sa Barangay Barangka, dakong 7:30 ng gabi.

Kaagad namang rumesponde ang mga nagpapatrulyang pulis ngmatanggap ang tawag sa radio at naabutan pa nila ang suspek na nagsisigaw at nagwawala sa lugar.

Tinangka naman ng mga pulis na payapain ang lalaki ngunit sa halip na sumunod ay maging sila ay pinagsisigawan din nito.

Nagtangka pa umano itong manlaban nang inaaresto na ng mga pulis kaya’t kaagad na itong binitbit sa himpilan ng pulisya. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?