11

By

Lalaking nagpakilalang pulis inireklamo sa pananakit

Sharing is caring!

Inireklamo ng pananakit at panunutok ng baril ng biktimang si Rolando Onagan Jr. sa Manila Police District (MPD) Station 1 ang lalaking nagpakilala umanong pulis .

Pauwi na umano ang biktima nang makasalubong niya ang suspek na kinilala sa pangalang Rockler Trajano.

Tinanong umano ng lalaki si Onagan kung nakikilala ba siya nito na agad namang sinagot ng biktima na hindi niya ito kilala. Bumunot ng baril ang lalaki at pinalo sa mukha ni Onagan. Nang bumagsak si Onagan ay agad siya nitong tinutukan ng baril at tsaka nagpakilalang pulis.

Matapos magpakilalang pulis ay muli siya nitong pinalo sa likod.

Tumakbo ang biktima at humingi ng tulong nang ikasa ng suspek ang baril ngunti wala na ang suspek nang dumating ang mga opisyal.

Ani Senior Inspector Dave Abarra ng Tondo Police, wala raw sa kanilang record ang pulis na may ngalang Rockler Trajano.

Patuloy na pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?